Gawaing asingkrono - pang-indibidwal 11/07/2024

Garin_MPH VS. GSIS

Garin_MPH VS. GSIS

by Shyla Garin -
Number of replies: 0

Garin_MPH VS. GSIS

 

A. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit natalo ang petitioner/respondent sa kaso?

  • Sa kasong ito, natalo ang Government Service Insurance System (GSIS) na respondent sa kaso. Ito ay dahil sa mga sumusunod: 

  1. Inilinaw ng Korte Suprema na ang mga probisyon ng konstitusyon kagaya ng ginamit sa kaso ay self-executory. 

  2. Inilinaw ng Korte Suprema na batay sa pagtingin nila, ang Manila Hotel ay bahagi ng National Patrimony.

  3. Ang pagbenta ng 51% ng shares ng GSIS, dahil ito ay bahagi ng government privatization program, ay isang aksyon ng estado na dapat sumailalim sa atas ng konstitusyon.

  4. Dahil sa doktrina ng Constitutional Supremacy, kahit ang bidding ay sang-ayon sa highest bidder, kung hindi pa napipinalisa ang mga kinakailangang kontrata at kasunduang sang-ayon sa batas ay hindi pa pinal at ganap ang pagbenta sa Renong Berhad (Malaysian Firm), kaya hindi masasabing premature ang petition ng Manila Prince Hotel Corporation (MPHC).

B. Sumasang-ayon ka ba sa desisyon ng korte? Ipaliwanag ang iyong tindig mula sa perspektiba at interes ng kamanahang kultural.

  • Ako ay sumasang-ayon sa desisyon ng korte na protektahan ang kamanahang kultural at pagtaguyod sa mga progresibong probisyon ng konstitusyon. Bilang isang manggagawang pangkultura, nakatindig ako sa pagbibigay halaga sa mga bagay at lugar na may importansya sa kulturang pilipino.

 

Bilang isang manggagawang pangkultura, nakatindig tayo na panatilihin ang proteksyon sa mga lugar na nagbigay yamang pangkultura sa ating bansa. Nakatindig tayo na maging makabansa, na maging makamasa. Hindi ito basta usapin lamang kung sino ang dapat manalo sa bidding, ang una’t usapin dito ay ang privatization ng isang makasaysayang lugar, na ang pangunahing rason naman ay ang mga neoliberal na polisiya na kung saan ibinibenta ang government. Para kanino nga ba nagsisilbi ang pagbenta ng Manila Hotel? Makakasilbi ba ito sa ating bansa – sa mamamayan ng ating bansa, o sa mga kapitalista lamang?

 

Sa aking perspektiba, hindi nagtatapos ang usapin dahil lamang hindi naibenta ang Manila Hotel sa Renong Berhad, aMalaysian firmkailangan tignan hanggang sa kung sino ang makakabili at paano niya mapapanatili ang Manila Hotel na nagsisibilisa kultura ng mga Pilipino.