A. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit natalo ang petitioner/respondent sa kaso?
Nabigong magtagumpay ang mga petitioner sa kasong may kinalaman sa isang petisyon upang pigilan ang isang auction ng mga likhang sining at antigong/kagamitang pilak na itinuturing nilang mga "cultural treasures” dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ang mga likhang sining at kagamitang pilak ay hindi kasama sa mga bagay na pinoprotektahan ng batas tulad ng Republic Act No. 4846 (Cultural Properties Preservation and Protection Act) na binanggit ng mga petitioner.
- Ayon kay Gabriel S. Casal, Director of National Museum, ang mga sinabing yaman na ito ay hindi kwalipikado o nakalista bilang mga "protected cultural properties” sa Cultural Properties Register of the National Museum at hindi parte ng “Filipino cultural heritage”.
2. Kakulangan ng Legal Standing ng mga petitioner
- Ayon sa korte, ang mga petitioner ay wala at/o hindi sapat ang kanilang interes sa mga likhang sining at kagamitang pilak na ipinagbibili upang maghain ng petisyon. Ibig sabihin, walang sapat na legal na basehan o ebidensya ang nagsasabing ang mga petitioner ay may karapatan upang galawin o mag desisyon para sa kalalagyan ng mga ito.
3. Pagiging Moot at Academic ng kaso
- Batay sa sipi ng kaso, nagiging moot at academic ang pagsasampa ng kaso dahil hindi na ito magaganap. Sa madaling salita, dahil naganap na ang auction noong Enero 11, 1991 kung saan naibenta na ang mga likhang sining at mga kagamitang pilak bago ang paghahain ng kaso, hindi na maaaring ipagpatuloy ang kanilang petisyong pinasusubalian.
B. Sumasang-ayon ka ba sa desisyon ng korte? Ipaliwanag ang iyong tindig mula sa perspektiba at interes ng kamanahang kultural.
Kung pagbabasehan ang dahilan at ginawang pagpapasya ng korte, ako ay sumasang-ayon. Sapagkat makatwiran ang rason nito na walang sapat at legal na basehan upang kilalanin ang petisyon ng mga petitioner. Dahil hindi sila ang “legitimate” na nagmamay-ari ng mga likhang sining at kagamitang pilak na binigyang diin sa Section 2, Rule 3 of the Rules of the Court. Gayon din naisagawa na ang auction kung saan ito ay nangangahulugang naibenta na sa halagang napagkasunduan (batay sa ulat, ito'y may kabuuang halaga ng $13,302,604.86 na kinolekta ng Bureau of Treasury). Panghuli, hindi ito kabilang sa listahan ng mga national treasures ng bansa.
Ngunit kung titignan ito sa perspektiba ng kamanahang kultural, ako ay hindi sumasang-ayon. Ito ay dahil hindi binigyan ng sapat na pansin ang kultural na halaga nito. Kung saan ayon sa RA 4846 (The Cultural Properties Preservation and Protection Act) nakapaloob ang mga nararapat na proteksyon ng mga bagay na ito sa kabila nang hindi opisyal na kinikilalang at/o nakalista sa mga “protected cultural properties” sa naturang batas. Nabanggit din sa ulat ng kaso na batay sa Artikulo XIV, Seksyon 14 ng 1987 Konstitusyon, ang gobyerno ay may tungkulin na panatilihing maayos at ligtas ang mga yamang kultural ng bansa na hindi lamang mga pribadong ari-arian kundi pati kayamanan ng kaban.