Ang apat na yugto ng dokumentasyon, partikular ang natural heritage, cultural heritage, movable heritage, at intagible heritage, ay pare-parehong nakakatulong sa pag-unlad ng lungsod sa paraang nasisiguro na ang pag-unlad na ito ay sustainable, sensitibo sa kultura, at napapanatili ang kasaysayan ng lugar.
Sa pamamagitan ng natural heritage katulad ng mga likas na anyong lupa at tubig, nasisigurong ang mga paraan ng pagpapaunlad ay hindi nakasasama sa likas kapaligiran at sa halip ay nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili nito. Ang built heritage naman ay nakakatulong sa pagpapanatili ng identidad ng bayan katulad ng mga Ancestral Houses na nagtataglay ng malalim na kasaysayan ng mamayan ng Vigan. Ang Movable heritage naman ay maaaring makatulong sa pagsulong ng kanilang kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga artepakto at likhang sining na sumasalamin sa kanilang mga tradisyon. At panghuli, ang intangible heritage maaaring magbigay-daan para sa pagbuo ng mga espasyong pampubliko na maaaring magsilbing isang plataporma kung saan maaaring ipahayag at ipagdiwang ang kanilang mga kasanayan tulad ng mga festival at sining.
Sa pangkalahatan, ang apat na yugtong ito ay nakatutulong upang makamit ng isang bayan ang isang sustainable development na may konsiderasyon sa mga aspetong historikal at kultural, habang inaangkop ang mga modernong pagbabago.