Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

Four Sisters and a Wedding_EKSTRANG PUNTOS

Four Sisters and a Wedding_EKSTRANG PUNTOS

by Ryza Jane Vasquez -
Number of replies: 0

Miyembro na Sumagot:
VASQUEZ

Oo, dahil malinaw na nakabalangkas sa batas ang karapatan ng mga pambansang minorya sa pagprotekta at pagkontrol sa kanilang sariling tradisyon, kultura, atbp. Ngunit sa kontrobersyang kinasangkutan ni Nas kung saan ginawa niyang masterclass ang tradition ng pagtatattoo ni Apo Whang Od na walang pahintulot ng kanilang buong komunidad as IP (sa kagyat na kolektibong pagmamay-ari ito ng mga katutubo) at kung saan naglabas din ng pahayag ang apo nito na hindi niya lubos na naunawaan ang kasunduan ay isang manipestasyon ng tuwirang porma ng pagsasamantala sa kanilang ari-arian. 

Kung pagbabatayan din ang sanaysay, hindi lang siguro dahil sa usapin ng kawastuhan o authenticity ng prosesong ituturo, ngunit sa usapin ding may pagkasagradong kahalagahan din ito na siyang tali mismo sa buong pagkakakilanlan/pagkatao ng mga IP at kung mapunta lamang ito sa mga maling kamay, pagsasapubliko at pagkokomersyalisa dito, ay itinuturi na ring paglabag sa karapatang pantao.