Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

JABEE C3S2_EKSTRANG PUNTOS

JABEE C3S2_EKSTRANG PUNTOS

by Linn Ashley Faith Sison -
Number of replies: 0

Miyembro:
Calope
Chua
Clapano
Santillan
Sison

Ang kontrobersiya sa pagitan ng vlogger na Nas Daily at Apo Whang Od ay nangyari dahil itinalaga ni Nas Daily si Apo Whang Od bilang isang "featured creator" nang walang pahintulot niya.  Naglunsad ang Nas Academy ng online na kurso na pinamagatang "Learning the Ancient Art of Tattooing," na naglalayong ituro ang tradisyonal na sining ng batok na ginagawa ni Apo Whang Od.

 

Ayon sa apo ni Apo Whang Od, kulang sa kaniyang buong pahintulot ang proyekto dahil hindi niya lubos na naunawaan ang kontratang iniharap sa kanya ng mga tagapagsalin. Dahil sa alegasyong ito na hindi malinaw na ipinaliwanag ang proyekto kay Apo Whang Od, masasabing ang sitwasyong ito ay isang paglabag sa kanyang mga karapatan bilang isang katutubo.  Ang ganitong mga aksyon ay nagsasapanganib sa integridad ng kultura at tradisyon ng kanyang tribo (Butbut), na dapat pangalagaan laban sa maling representasyon at komersyalisasyon.

 

Ang Artikulo 31 ng United Nation's Declaration on the Rights of Indigenous Peoples ay nagbibigay ng isang mahalagang balangkas para sa paggalang sa karapatan ng mga Indigenous People na protektahan at ipreserba ang kanilang kamanahang kultural. Ang mga katutubo ay may karapatan sa kanilang kaalaman sa kultura, tradisyon, at intelektwal na ari-arian.  Ang anumang paggamit ng mga karapatang ito ay dapat na nakabatay sa "libre, nauna, at may kaalamang pahintulot." Sa konteksto ng kaso ni Nas Daily at ni Apo Whang Od, masasabing labag ito sa batas ng UN declaration sa dalawang kadahilanan.

 

Una, labag ito sa karapatan ni Apo Whang Od at ng Butbut na kommunidad na magbigay ng konsento sa paggamit ng kanilang kultura para sa komersyal na layunin. Kahit na ipinaglaban ni Nas Daily na nakalagay ang tatak ni Apo sa kanilang kontrata, hindi pa rin ito sapat dahil walang malinaw na pagkausap at pagsang-ayon mula kay Apo at ng kanyang kommunidad. Ikalawa, matuturi ito bilang kaso ng cultural appropriation dahil sa pagkuha ng mga elemento ng kultura ng Butuanon nang walang sapat na pag-unawa o paggalang.

 

Sa kabuuan, itinatampok ng insidenteng ito ang pangangailangan para sa malinaw na komunikasyon at may kaalamang pagpayag sa mga pagpapalitan ng kultura upang itaguyod ang dignidad at karapatan ng mga katutubo.