Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

JABEE C3S2_SISON

JABEE C3S2_SISON

by Linn Ashley Faith Sison -
Number of replies: 0

3. Makatutulong ba ang cultural mapping kung may sigalot o tensyon sa pagitan ng dalawang komunidad o bansa?

 

Ang cultural mapping ay mabibigyang pakahulugan bilang pagtukoy at pagkakaroon ng kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa mga bagay at pangyayaring sumasalamin sa kultura ng kanilang komunidad.

 

Mahalaga ang papel ng cultural mapping sa mga pagkakataon na mayroong hidwaan sa pagitan ng dalawang komunidad o bansa sapagkat ayon sa babasahin, ang cultural mapping ay isang paraan upang makilala kung ano ang tunay na kahulugan ng kultura sa komunidad na kinabibilangan nito. Nakasaad din dito na ang cultural mapping ay kadalasan ginagamit sa mga komunidad upang bumuo ng mga solusyon sa mga umuusbong na isyung kultural.

 

Sa ganitong kadahilanan, nagbibigay-daan ang cultural mapping upang harapin, kilatisin, at usisain ng mga mamamayan ng isang komunidad o bansa ang kinakaharap o kakaharapin na problema. Ito ay nagsisilbing gabay upang makapag desisyon ang mga miyembro ng isang komunidad sa susunod na hakbang na kanilang tatahakin sa pagkakataon ng sigalot at sakuna.

 

Sa kabuuan, ang cultural mapping ay makatutulong upang matukoy at maitala ang mga bagay, gawi, at kultural na pagmamay-ari na pinahahalagahan ng isang bansakung ano ang tunay na kanila.