Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

KTnatics_NACABU-AN

KTnatics_NACABU-AN

by Mariel Alexandra Nacabu-An -
Number of replies: 0

2. Dahil miyembro tayo ng ASEAN, paano makatutulong ang cultural mapping sa ating identidad at pagkakaisa bilang isang rehiyon?

Nakatutulong ang cultural mapping upang higit na makilala ang ating mga kultura, mga kulturang nasasalat o di nasasalat. Bilang miyembro ng ASEAN, tayo ay may lubos na pagkakakilala sa ating pinanggalingan kung kaya’t importante na may kaalaman at naiintindihan natin ang ating kultura. Sa cultural mapping ay binibigyan tayo ng sapat na impormasyon upang mas lubos na maintindihan ang identidad ng isang rehiyon sa mas madaling paraan. Binibigyang kahalagahan din nito ang mga suliranin na dabat bigyang solusyon ng isang komunidad. Ang isang komunidad ay mas binibigyang pansin ang mga importanteng bagay sakanila, katulad ng mga artipakto at mga lugar na patok sa mga turista. Nakakatulong ang cultural mapping sa pagkakaisa ng isang komunidad sa paraan na nagtitipon ang mga miyembro ng komunidad upang mapagusapan kung paano mapoprotektahan o mapangalagaan ang kanilang mga kultural na ari-arian.  


Reference:

Ian Cook & Ken Taylor. A Contemporary Guide to Cultural Mapping. An ASEAN-

Australia Perspective Jakarta: ASEAN Secretariat, April 2013.

https://asean.org/?static_post=a- contemporary-guide-to-cultural-mapping-an-asean-

australia-perspective