Paano tumutugon ang apat na yugto sa konsepto ng pag-unlad ng bayan?
Mahalaga ang mga apat na yugtong inilahad ni Zerrudo sa kanyang papel at maaaring ituring ito sa proseso ng pag-unlad. Ang kamalayan (awareness) ng sariling kultura ay isang importanteng kauna-unahang hakbang para sa mga mamamayan ng bayan. Kailangan munang kilalanin ang mga kayamanan na mayroon sila, tulad ng mga tradisyon, pamana, ari-arian, kalikasan, atbp. Kapag natukoy na nila, sunod naman ay ang pagpapahalaga (appreciation) sa mga ito. Dito magsisimula ang pagtatag ng komunidad sa bayan tungo sa pagtitibay ng kanilang kultura. Mapupunta ito sa pagbibigay ng proteksyon (protection) para mapanatili ang kultura sa mga darating na panahon at henerasyon. Papasok dito ang mga batas at mandatos ng lokal na pamahalaan bilang basehan at patnubay ng mga mamamayan sa importansya nito. Panghuli ay ang utilization o paggamit ng pamana bilang oportunidad sa paglaki at paglawak ng yaman ito. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng pangangailangan para sa pagpapabuti ng mga tao at ng kultura, sa ngayon at kinabukasan. Ang pagsasama ng mga yugtong ito ay hindi lang dudulot sa pagbuti ng kamanahang kultural, kundi rin sa sustenableng pag-unlad ng bayan.