Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

HALLARE

HALLARE

by Francine Mikaela Marie Hallare -
Number of replies: 0

1)

Batay sa bidyo na napanood, mayroong pitong katangian ang suliranin ng pananaliksik o research question; ang unang tatlong katangian ay maroong ugnay sa paksa ang suliranin at may akmang sukat ito, hindi masyadong maliit o malaki ang sakop, at ito ay nasusukat o naiimbestiga ang suliranin. Ikaapat at ikalima naman ay tungkol sa mga mambabasa, nararapat na malinaw at simple ang paglahad ng suliranin upang maintindihan nang lubos ng mambabasa, kinakailangan din na interesante ang pananaliksik at may kabuluhan ang tanong. Ikaanim naman ay dapat ang suliranin ng pananaliksik ay isang tanong at hindi paghayag lamang, at ang huli naman ay dapat nasasagot ang tanong.

 

Sa pagbuo naman ng isang suliranin ng pananaliksik, ang unang gagawin ay magisip ng isang malawak na paksa na interesante. Ikalawa naman ay manaliksik tungkol sa malawak na paksa upang malaman kung ano ang umiiral na datos at literatura dito. Sunod naman ay ang pagtukoy sa paksa sa pamamagitan ng mga bukas na tanong, kung bakit, at paano. Huli naman ay ang paggawa ng isang tiyak at masusukat na tanong na open-ended para hindi lamang siya masagot ng simpleng oo o hindi o numero.


3)

Paksa 1: Pagdiwang ng Pasko sa “Big 4” Universities sa Pilipinas

Suliranin ng Pananaliksik: Paano nakaapekto ang relihiyon sa pagdiwang ng Pasko sa Unibersidad ng Santo Tomas (Katoliko) kumpara sa Unibersidad ng Pilipinas (sekular)?

Disenyo ng Pananaliksik: Upang masagot ang suliranin, gagamit ng kwalitatibong lapit at phenomenological na pananaliksik upang makalap ang mga karanasan ng mga kalahok sa mga pagiriwang ng nasabing mga unibersidad. Gagamit ng mga panayam (semi-structured) upang makuha ang mga karanasan ng mga kalahok bago at pagkatapos ng mga pagdiriwang. Dagdag dito, mapapalalim ang interbyu gamit ang mga follow-up na tanong upang mahanap kung paano nakaapekto ang relihiyon gamit ang mga karanasan ng kalahok.

 

Paksa 2: Accessibility ng mga PWD sa mga museo sa Metro Manila

Suliranin ng Pananaliksik: Ano ang mga salik (panlipunan, akseskibilidad, pansarili)  na tinuturing ng mga PWD sa pagbisita ng mga museo sa Metro Manila?

 

Disenyo ng Pananaliksik: Gagamit ng mixed-method na pananaliksik upang mahanap ang mga salik na nakaaapekto sa pagbisita ng mga PWD sa mga museo. Sa unang bahagi, sasagot ang mga kalahok sa isang sarbey ng mga posibleng salik na tinuring nila para bumisita sa museo. Upang mas mapalalim ang mga sagot mula sa unang bahagi, gagamit ng semi-structured na panayam sa ikalawang bahagi.