Gawain 1.
-
Ayon sa bidyo Developing a research question ng Academic Skill, The University of Melbourne (2018), isa sa mga pangunahing katangian ng isang suliranin sa pananaliksik ay ang kaugnayan o relevance nito sa isyung nais tuklasin. Dapat itong sakop ng pag-aaral at hindi masyadong malawak o masyadong makitid, upang manatili itong mapangasiwaan o manageable. Ang tanong sa pananaliksik ay kailangan ding maging tiyak at masusukat—hindi dapat malabo o hindi klaro, para madaling maunawaan at masuri ng mga mambabasa. Gayun na rin, mahalaga na ang suliranin ay interesante, nakakapukaw ng atensyon hindi lamang ng mananaliksik kundi pati ng mga mambabasa. Panghuli, ang suliranin ay dapat nasasagot, o may posibilidad na mabigyan ng kasagutan sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagsusuri.
-
Upang makabuo ng mabisang suliranin sa pananaliksik, magsimula sa pagtukoy ng malawak na paksa mula sa mga umiiral na datos. Mahalagang magsaliksik sa mga umiiral na literatura at datos na nauugnay sa malawak na paksang ito upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa. Pagkatapos, maaari nating paliitin ang paksa sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga katanungang "paano" at "bakit," na magbibigay ng mas tiyak na direksyon sa pananaliksik. Kapag naipaliit na ang paksa, maaari na tayong tumungo sa pagbuo ng tiyak at nasusukat na tanong na magbibigay daan sa mas maayos na pag-aanalisa. Dagdag pa rito, ayon sa bidyo, inirerekomenda na gawing open-ended ang tanong upang hindi ito masagot ng simpleng "oo," "hindi," o ng isang partikular na numero, at sa halip ay makapagbukas ng mas malalim na pag-aaral.
Gawain 3.
a. Unang Paksa: Art Therapy at Kalusugang Mental
Suliranin sa Paksa: Paano naapektuhan o ano ang naging dulot ng art therapy sa mga taong may karamdaman sa kalusugang mental?
Research Design: Mixed Methods Research Design:
Naglalayon ang pananaliksik na ito upang sagutin ang tanong kung ano nga ba ang naidudulot ng art therapy sa mga taong may problema sa kalusugang mental. Gagamit ang pag-aaral na ito ng qualitative case study upang tuklasin kung paano nakaapekto ang art therapy pati na rin ang naging resulta ng pagkakaroon therapy sa mental na kalusugan ng mga tao nakakaranas nito. Gayundin, gagamit ang pananaliksik ng mga personal na karanasan ng mga taong nakaranas ng art therapy na siya ring nakaranas ng problema sa kalusugang mental, lahat ng ito ay naaayon sa etikal na standard ng paglikom ng mga impormasyon mula sa panayam. Para naman sa component ng quantitative, gagawa ng isang standardized scale para sa pagsukat ng sintomas ng kalusugang mental, maaaring rin kung ano ang kanilang naramdaman bago at pagkatapos ng therapy (1-10; sad to happy). Susuriin ang mga tala, at maaari ring magkaroon ng pag-aanalisa ng mga dokumento mula sa case file ng ibang mga therapist, nang naaayon sa batas at sa etika. At sa panghuli, bubuo na ng konklusyon na naaayon sa pag-aaral ng mga datos.
b. Ikalawang Paksa: LGBT Representation at Pelikulang Pilipino
Research Design: Qualitative Research Design
Suliranin sa Paksa: Ano ang mga representasyon ng LGBT+ community sa mga piling pelikulang Pilipino?
Naglalayon ang pananaliksik na ito na alamin kung ano ba ang mga representasyon ng LGBT Community sa mga piling pelikulang Pilipino. Gagamit din ng content analysis ang pag-aaral upang alamin kung anong klaseng representasyon ang ipinapakita o inihahayag sa mga piling pelikulang ito. Sisiyasatin din sa pag-aaral na ito kung paano inilalarawan ang buhay ng LGBT Community sa mga pelikulang ito.
Bali sa proseso, pipili muna ng mga pelikula, mga tatlo hanggang apat na pelikulang pilipino na may representasyon ng LGBT community. Gayon na rin saklaw nito ang pagsasalarawan ng LGBT character sa mga pelikulang ito; tema, gayon na rin ang pakikitungo ng ibang mga karakter sa mga LGBT characters. Magkakaroon ng content analysis, sa nabuong balangkas, sa pagbibigay ng mas malinaw na representasyon sa LGBT. Gayundin, ang pagkakaroon ng thematic analysis ay maaaring magdulot upang tukuyin ang tema sa mga karanasan ng LGBT. Ang panghuli naman, ay pagbuo ng konklusyon.
Mga Sanggunian:
- Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU
- Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed. (pp.1-46)