Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

PELAEZ

PELAEZ

by Kyla Louise Pelaez -
Number of replies: 0

GAWAIN 1

 

Base sa bidyo na ‘Developing a research question’ ng Academic Skills, The University of Melbourne, ang suliranin sa pananaliksik ay dapat nauukol sa napiling paksa para masakop nito ang mahalagang isyu o usapin sa napiling larangan at ideya ng pananaliksik. Dapat ay naaayon din ang magiging saklaw nito para hindi maging labis o kulang ang pagpupunyagi na ilalaan sa pag-aaral. Ang suliranin ng pananaliksik ay dapat lamang maging tiyak, malinaw, at simple para maging madali at maayos ang pag-imbestiga ng mananaliksik, at maunawaan din nang lubusan ng mga mambabasa ang nais tuklasin ng pananaliksik. Dapat ay alamin din ng mananaliksik kung paano gawing makabuluhan at kaakit-akit ang suliranin para maging interesado ang mga mambabasa, ngunit hindi dapat kalimutan na ang suliranin ay dapat din maging lehitimo na may nais sagutin at hindi pahayag lamang. Kaugnay nito, ang pinakamahalagang katangian ng suliranin sa pananaliksik ay maaari itong masagot o may konkretong sagot na maaaring makuha sa pag-aaral.

 

Upang makabuo ng isang makabuluhan at mabisang suliranin sa pananaliksik, dapat ay isaalang-alang ang pangunahing ideya o konsepto na nais pag-aralan sa pananaliksik. Makaka tulong din ang pag-analisa sa labas ng datos para mapalawak ang pananaw sa napiling paksa. Gawing tiyak ang paksa sa pamamagitan ng pagtanong ng ano, paano, bakit, sino at kailan, habang sinisigurado na may kaugnayan pa din ito sa larangang napili para maipakita ang kahalagahan nito at maipaliwanag kung bakit ito dapat pagtuunan ng pansin. Sa pamamagitan ng gabay na ito at sa pagsaalang-alang ng mga katangian ng suliranin sa pananaliksik, makakabuo na ng isang mahalaga, makabuluhan, at masusukat na katanungan sa isang pananaliksik.

 

GAWAIN 3

 

PAKSA 1

Pagsusuri sa Kalagayan at Pamamaraan ng Konserbasyon at Renobasyon ng mga Makasaysayang Estruktura sa Las Piñas Historical Corridor

 

Suliranin ng Pananaliksik:

Paano isinasagawa ang konserbasyon at renobasyon ng mga makasaysayang estruktura sa Las Piñas Historical Corridor at paano nito napapanatili ang pagka-orihinal at kultural na halaga ng mga estruktura?

 

Research Design:

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwalitatibong pagsusuri upang imbestigahan ang konserbasyon at renobasyon ng mga estruktura sa Las Piñas Historical Corridor, gamit ang Restoration Theory ni Gustavo Giovannoni bilang pangunahing teorya. Susuriin ang apat na pamamaraan ng restorasyon: pagpapatibay, pagsasaayos, pagpapalaya mula sa dagdag na elemento, at renobasyon. Magkakaroon din ng pagsusuri ng dokumentaryo mula sa ulat at batas (RA No. 8003) na kaugnay ng Las Piñas Historical Corridor Project. Magsasagawa rin ng semi-structured na mga panayam mula sa mga eksperto at lokal na opisyal sa likod ng nasabing proyekto. Bibisitahin din ang mga na-renobate at na-konserbang estraktura para masuri ang naging pamamaraan ng pagsasaayos at konserbasyon bilang field observation. Ang mga nakuhang datos ay susuriin sa pamamagitan ng thematic analysis upang matukoy ang naging tema ng konserbasyon batay sa orihinal na pagkakakilanlan ng mga estruktura, at maikumpara upang malaman kung alin sa mga pamamaraan ni Giovannoni ang ginamit. Layunin ng pag-aaral na ipakita ang ugnayan ng konserbasyon sa turismo at kultural na kamalayan ng komunidad.

 

PAKSA 2

Semiotikang Pagsusuri sa "Void of Spectacles" ni Mark Justiniani: Isang Pag-aaral sa Paglalaro ng Imahinasyon at Realidad

 

Suliranin ng Pananaliksik:

Paano ginamit ni Mark Justiniani ang semiotikang pamamaraan sa kanyang eksibisyon na "Void of Spectacles" upang maghatid ng mga masalimuot na mensahe ukol sa relasyon ng imahinasyon at realidad? Anong mga simbolo at palatandaan ang makikita sa kanyang likha, at paano ito binabasa ng mga tagapanood ayon sa teorya ng semiotika?

 

Research Design:

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng mixed method, na kung saan gagamit ng kwalitatibong semiotikang pagsusuri at kwantitatibong palatanungan ng mga madla. Isasagawa ang kwalitatibong bahagi sa pagsusuri batay sa mga semiotikang teorya nina Ferdinand Saussure at Roland Barthes upang tukuyin ang mga simbolo sa "Void of Spectacles." Habang ang kwantitatibong bahagi naman ay gagamitan ng sarbey para matukoy naman kung paano nauunawaan ng mga mga dumalo sa eksibisyon ang mga simbolo sa likha ni Justiniani.

 

Sanggunian

Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU

Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed.  (pp.1-46)

 

Maaaring makita ang buong Similarity Report sa link na ito.