1.
Ang mabisang suliranin ng isang pananaliksik ay mahalagang nagtataglay ng iba't ibang katangiang nagpapatibay rito. Una, ito ay dapat nakikitaan ng katiyakan. Katiyakang inilalahad sa malinaw, payak at kongkretong pamamaraan na mauunawaan ng mambabasa. Bukod dito, marapat na ang suliranin ay may katotohanan. Katotohanang may kakayahang sukatin, abutin at masagot ang magiging sakop ng pag-aaral. Higit sa lahat, dapat na taglayin nito ang "relevance" o makabuluhang tunguhin sa pagsagot sa isang isyung makapagbibigay ng bagong kaalaman sa bawat espasyong hindi pa nabibigyan ng pansin o pag-aaral.
Sa pagbuo ng isang suliranin ng pananaliksik, pumili ng isang paksa o isyung nais na talakayin at sundan ito ng paggalugad sa mga related studies o literature na makakatulong sa pag-aaral. Mula sa pagpili ng malawak na paksa o isyu, gamitin ang mga nahanap na pag-aaral na may kaugnayan sa napili at gawing espesipiko at nasusukat ang mga katanungang ilalapat sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagamit ng "paano" at "bakit" na mga tanong.
2.
Paksa 1
Suliranin ng Pag-aaral: “Ano-ano ang mga pamamaraan o temang taglay ng mga drag performances ang mapapanood sa Rampa Drag Club sa pagitan ng Enero hanggang Marso 2025?”
Upang masagot ang suliraning nasa itaas, gagamit ang pag-aaral ng isang kwalitatibong estratehiyang mayroon ang isang case study. Magiging angkop ito sa kadahilanang ang pokus ng pag-aaral ay iikot lamang sa mahahanap na datos sa Rampa Drag Club, isang sikat na establisyemento at entablado ng mga drag shows sa Metro Manila.
Ang layunin ng pag-aaral ay:
Una, tukuyin at suriin ang dominanteng tema na mayroon ang mga drag performances na mapapanood sa Rampa Drag Club.
Sunod, siyasatin ang iba't ibang pamamaraan o “techniques” sa pagtatanghal na ginagamit ng mga drag artists (make-up, costume design, stage presence) at kung ano ang kontribusyon nito sa kabuuang mensahe ng kanilang mga performance.
Pangatlo, imbestigahan ang iba't ibang intersectional factors (class, race, sexuality) na nakakaapekto sa tema o pamamaraan ng mga drag artist kung paano sola magtanghal.
Sa pamamagitan ng “non-participant observation’’ bilang isang bahagi ng metodolohiya, ang mananaliksik ay magkakaroon ng limang araw o gabing panonood sa mga drag performances na ipapalabas sa pagitan ng buwan ng Enero hanggang Marso 2025 sa nasabing establisyemento. Bukod dito, gagamit rin ang pag-aaral ng “in-depth interviews” para kunin ang perspektibo ng mga drag performers na magtatanghal. Gagamit rin ang pag-aaral ng thematic analysis upang suriin ang mga nakuhang datos mula sa obserbasyon, panonood at in-depth interviews nang sa gayon marating ng pag-aaral ang mga tunguhin na tukuyin at suriin ang mga pamamaraan o tema ng bawat drag artists na magtatanghal sa Rampa Drag Club.
Paksa 2
Suliranin ng Pag-aaral:"Gaano katagal makabuo ng isang digital artwork ang mga digital artist sa Marikina City?"
Upang masagot ang suliraning nasa itaas, gagamit ang pag-aaral ng isang kwantitatibong estratehiyang mayroon ang isang survey research. Tugma ito sa gagawing pag-aaral dahil ang layunin ng papel ay ang mga sumusunod;
Una, tukuyin ang 'average hours’ na ginugugol ng mga digital artist sa Marikina upang makabuo ng isang artwork.
Sunod, suriin ang mga mga salik na nakakaapekto (artwork's complexity, artist's experience and artist's tools and equipments) sa “time investment” ng mga digital artist na magiging bahagi ng pag-aaral.
Huli, alamin ang ugnayan sa pagitan ng ginugugol na oras ng mga digital artist sa pagbuo ng isang artwork at ang magiging epekto nito sa kalidad ng kanilang binubuong artwork.
Sa pamamagitan ng survey, o partikular na ang mga online questionnaires, magagawa ng mananaliksik na kolektahin ang mga datos mula sa mga respondents na magiging bahagi ng pag-aaral. Isang daan at limampung digital artists mula sa iba't ibang distrito sa Marikina ang magiging respondents mg pag-aaral at pipiliin sa pamamagitan ng purposive sample na makakatulong upang makamit ang mga katangiang hinihingi ng pag-aaral. Ang laman ng online questionnaire ay ang (a) demographics, (b) ginugugol na oras sa pagbuo ng isang artwork (in hours) (c) artwork’s complexity gamit ang Likert scale at (d) artist's tools and software.
Para sa statistical analysis, gagamit ang papel ng descriptive statistics upang matukoy at masuri ang mean, median at mode sa oras na ginugugol ng mga digital artist sa pagbuo ng isang artwork. Kasama rin dito ang paggamit ng inferential statistics upang mailahad ang resulta ng pag-aaral at makabuo ng mga konklusyon mula sa mga datos na nakolekta.
References
Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU
Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed. (pp.1-46)