Ang kursong ito ay paglilinang at pagpapalalim ng mga estratehiya, lapit, at metodolohiya sa pananaliksik sa sining at kultura. Matututunan ng mga estudyante ang mainam na pagpili at pagsusuri ng angkop na metodolohiyang gagamitin sa kanilang napiling paksa ng pag-aaral. Sa dulo ng kurso, inaasahang makabubuo ang mga estudyante ng research proposal bilang paghahanda sa kanilang pananaliksik sa hinaharap.
Maghanda ng listahan ng limang (5) paksa na naglalaman ng suliranin ng pag-aaral at layunin. Alalahanin ang mga pamantayan sa pagbubuo ng suliranin na tinalakay sa mga babasahin at talakayan sa klase. Sa bawat paksang napili, maglatag ng tatlo (3) hanggang limang (5) tiyak na layunin ng pananaliksik.
Format: Arial, size 12, justified text, double spaced, pdf format
Rubrik ng pagupuntos (10pts):
Malinaw at angkop na pagpili ng paksa 2pts
Mabisang pagbabalangkas ng suliranin ng pag-aaral 5pts
Maghanda ng unang limang (1-5) sanggunian kaugnay ng aprobadong paksa. Alalahanin ang mga pamantayan sa paghahanap at pagpili ng sanggunian na tinalakay sa mga babasahin at talakayan sa klase. Bawat sanggunian ay kailangang maglaman ng sumusunod na impormasyon:
Maghanda ng unang limang (6-10) sanggunian kaugnay ng aprobadong paksa. Alalahanin ang mga pamantayan sa paghahanap at pagpili ng sanggunian na tinalakay sa mga babasahin at talakayan sa klase. Bawat sanggunian ay kailangang maglaman ng sumusunod na impormasyon: