Ang kursong ito ang magsisilbing panimulang pagsipat sa saklaw at sakop ng pag-aaring kultural sa Pilipinas.  Nakatuon ito sa ilang piling halimbawa ng kamanahang kultural sa isang tukoy na lokalidad. Sa pamamagitan ng kursong ito, matutunghayan at maisasakonteksto ng estudyante ang iba’t ibang usapin at puwersa na nakakaapekto sa pagsusuri ng kamanahang kultural sa bansa. Sa kurso, maihahanda ang kritikal na lente ng mga estudyante upang masuri kung paano nakasasabay, nababago, o nawawala ang mga anyo ng pamanang kultural sa iba’t ibang lokalidad at komunidad.